Ice Cream At Alaala

Pinagbawalan ako ng doktor na magkape sa kasagsagan ng lockdown noong nakaraang taon. Lumala kasi nang husto ang hyperacidity ko. At dahil hindi pwedeng magkape, ice cream ang napagdiskitahan ko, lalo na’t may Ministop sa baba ng condo kung saan kami nagrerenta.

Isang araw, habang nag-aayos ng mga naipong lagayan ng ice cream, naalala ko si Nanay. Siya ang lola kong kumupkop sa akin noong naghiwalay ang mga magulang ko’t naging abala sa mga bago nilang pamilya. Miss na miss ko na siya. Kaya lang, mahirap basta-bastang umuwi sa Antipolo dahil sa banta ng COVID-19.

Sa puntong iyon, naging mas malinaw sa akin kung gaano kalupit ang pandemya na patuloy na nagnanakaw sa atin ng oras na pwede pa sanang gamitin sa piling ng mga mahal sa buhay na alam naman nating hindi laging nasa mundong ibabaw.

Dahil walang mapagbuhusan ng matinding emosyon sa mga oras na iyon, naisipan kong magsulat na lang ng isang sanaysay. Pinamagatan ko itong “Unti-Unting Pagkalusaw” at napasama ito sa pinakabagong literary anthology ng Philippine Collegian na Points of Contact.

Pwede na itong mabasa nang libre sa pahina 29 ng antolohiya na matatagpuan dito:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *